Mangagpuyat, mga banal, Pagbutihin ang ilawan; Magsihanda at maghintay Sa Panginoong pagdatal.
REFRAIN
Si Jesus, dumarating Nang buong dilag at ningning; Tayo na at salubungin Ang maghahari sa 'tin.
Sa Panginoong pangako Nilabhang damit sa dugo, Putong at sa salang inako Narito't hiling mo'y tagpo.
Samantalang naririnig Ang sa ikapitong tinig; Ibalita mong masugid Biyayang laang panlinis.
Hanggang may pagkakataon Kay Jesus kayo'y patulong; May darating na panahon Na di Siya magtatanggol